Madami ng tao ang nagsasakripisyo sa buhay para lamang malampasan ang isang problema. Problema na kahit kanino ay dumarating. Sakripisyo na di natin kayang iwasan, na kailangang dapat may piliin para lang maging maayos.
Sa buhay ko ngayon sobrang dami ko ng nakitang nagsakripisyo at ginawang sakripisyo, pero sa lahat ng sakripisyong yun ang pinaka hindi ko nagustuhan ay ang isakripisyo ang mga magulang ko hindi ko man gustong gawin yun wala akong magawa kasi kailangan at para na rin sa ikagaganda ng buhay ko.
Nagsimula kong isakripisyo ang mga magulang ko ng mag aral ako ng kolehiyo. Dahil sa gusto nilang akong makapagtapos at gusto ko ring makatapos nagsakripisyo ako lumayo sa kanila, pinili kong mag aral habang malayo sa kanila para mapaganda ang buhay ko. Alam naman natin na napakahirap malayo sa mga magulang lalong lalo na kung alam mo na wala silang kasama kasi nag iisa ka. Pero kahit na ganun pinilit ko pa ring lumayo at maghintay ng bakasyon para makasama uli sila. Kaya sa tuwing sasapit ang bakasyon tuwang tuwa ako dahil bukod sa nakakapagbakasyon na ako, makakasama ko pa sila. (Pero ngayon namimiss ko naman ang mga friends ko..hehe)
HAPPY VACATION TO ALL!