Ikaw ba ang taong sobra laging daming problema? Ikaw ba ang taong kailangan laging my karamay sa problem o ikaw ba ang taong sinasarili ang mga problema? At higit sa lahat ikaw ba ang taong gusto nang sumuko dahil sa mga problema? Hindi man natin aminin pero ito ang mga bagay na laging pumapasok sa ating isip kapag nagkakaroon tayo ng problema? Bakit nga kaya duamrating ito sa ating buhay? Sinasabi lagi natin sa ating sarili, bakit ako pa ang nagkaron nito? Bakit hindi pa ang masasamang tao at hindi ako? Pero sa tingin mo ba magiging ganap na tao ka ba kung wala kang naging problema sa buhah? Maging successful ka kaya kung hindi ka magkakaron ng problema? Ang lahat ng tao isinilang dito sa mundo hindi lang para maging masaya, hindi dahil sa masama tayo, hindi dahil sa may nagawa tayong kasalanan sa Maykapal kundi isinilang tayo dito sa mundo para malaman natin kung karapat dapat ba tayo sa buhay na ito na ipinahiram niya sa atin.
Kung meron kang problema o alam mong magkakaron ka ng problema hindi dapat natin ito takasan bagkus labanan natin ito o harapin natin ito mabigat man o magaaan o kung ano mang problemang ibinigay niya sa atin dahil ikaw nga, "God will not throw a stone if you cant catch it". At alam natin kung malalabanan natin ang isang problema kasunod na nito ay kasiyahan.
May isa akong kwento, isang taong nagkaroon ng problema katulad ninyo. Siya ang taong may tampo sa Maykapal at malaking galit sa kanyang ama hindi dahil sa masama ang kanyang ama kundi dahil ang malaking pagkukulang nito sa pagmamahal sa kanya at pati na rin sa pagiging kung ano siya. Hindi man niya aminin sa main na ang hiling lang niya sa kanyang ama ay ang pagmamahal nito, nararamdaman naman namin iyon sa kanyang mga mata. Nakilala ko lang siya nitong mag-koehiyo ako naging mag-classmate kami at nakasama ko pa siya sa bahay (Boarding house), 5 silang magkakapatid lahat lalaki, pangalawa siya sa panganay, tawagin na lang natin siya sa pangalang Bruno Batungbakal. Sabi niya, simula ng ipanganak siya dun na siya lumaki sa kanyang lolo at lola kaya naman hindi siya ganun ka-close sa kanyang mga kapatid at sa kanyang mga magulang lalong lalo na ang kanyang ama. Ngunit meron pa rin namang natitirang kakampi siya sa kanyang pamilya at ito ay ang kanyang kuya, naigng mas close lalo sila simulang ng mapalayo si Bruno Sa kanila upang pumasok kaya kapag nagkikita silang dalawa kahit sobrang daming ginagawa hindi nawawala ang pangungulit sa bawat isa. Sumapit ang kanyang kaarawan kaya kailangan niyang umuwi sa kanila, habang nakikipag-kwentuhan sa kanyang pamilya si Bruno dumating ang kanyang ama binati niya ito ng "magandang gabi" kahit alam nitong hindi ito iimik sa kanya pero himala at sumagot ito sa kanya at sinabing "Bakit kanarito? Anong ginagawa mo dito sa bahay? Hihingi ka na naman ba ng allowance kaya ka pumunta dito?", natuwa at nalungkot si Bruno. Natuwa dahil sa wakas umimik din ito sa kanya, nalungkot dahil sa sinabi ng kanyang ama. Gusto sana niyang sabihin na "Birthday ko po kaya ako narito" ngunit di nalang siya umimik para matapos ang pag-uusap nilang dalawa, kaya nagpunta na lang siya sa kanyang lolo at lola.
Pero tuloy pa rin ang buhay niya hanggang ngayon at hindi pa rin nawawala sa kanya ang galit niya sa kanyang ama at tampo sa maykapal. At sana kung ano man ang marating niya pagkatapos namin ng kolehiyo ay mawala na ang nararamdamang galit niya sa kanya ama lalong lalo na sa Maykapal.
No comments:
Post a Comment